Mga Sasakyan sa Loob ng Mall paano nga ba Nakakapasok at Nakakalabas Dito?
Marahil bilang isang magulang ay medyo nakakairita na rin ang madalas at paulit-ulit na pagtatanong ng ating mga anak sa napakaraming mga bagay sa ating paligid. Lalo na kung sila ay nasa edad pa lamang ng pagtuklas at pag-oobserba sa mundong kanilang ginagalawan, tiyak na hindi sila magsasawang magtanong ng magtanong sa iyo at tumuklas ng maraming mga bagay.
Aminin man natin o hindi, kahit naman tayong matatanda ay marami pa ring mga tanong sa ating isipan na kadalasan ay pilit nating binibigyan ng kasagutan. Tulad na lamang marahil ng tanong ng marami na kung paano nga kayang nakakapasok at nakakalabas ang mga ibinebentang sasakyan o kotse sa loob ng mga mall?
Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang ibinahaging video ng isang netizen na nakilala na si Errol Panganiban. Sa wakas ay tinuldukan na niya ang napakatagal nang tanong ng marami sa atin.
Sa kaniyang viral video ay makikita kung paano ipinapasok ang kotse sa isang mall. Sa entrance din pala ng mall ito dumaraan katulad ng dinaraanan ng mga “mall goers”.
Ang mga glass door na ito ay siyang pinapasukan at nilalabasan ng mga sasakyan o kotse na ito na dinidisplay at binebenta sa loob ng mga mall. Mayroon din namang nilalagay na “metal ramp” sa bandang hagdanan ng mall upang makatulong sa mabilisang pagpasok at paglabas ng mga kotse sa gusali.
Bukod pa rito ay mayroon din pa lang isang truck na malaki ang siyang naghahatid at sumusundo sa mga sasakyang ito patungo sa mga auto shop na kanilang pinanggagalingan. Ang naturang video ay kuha sa isang mall sa Taguig at ibinahagi ni Errol sa comment section ng Facebook page na “Becky Memes.
Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umani na ng higit sa 3,400 reactions, 990 comments, at 8,700 shares na ang naturang post.
Source: Keulisyuna
0 Comments