Pagbibigayan at pagmamahalan ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Sa tuwing dumarating ang araw ng kapaskuhan, halos lahat ng bata sa bansa ay bumibisita o pumupunta sa tahanan ng kanilang mga ninang at ninong para humingi ng aginaldo.
Gayunpaman, mayroon pa ding iba’t ibang kwento tungkol sa ninang at ninong sa tuwing sasapit ang pasko. Mayroon pa ngang kumakalat sa social media kung saan nagiging demanding pa ang ibang mga magulang sa mga ninong at ninang sa aginaldo na ibibigay ng mga ito sa kanilang mga anak.

Ngunit, ang kwentong ito ng isang netizen ay malayo sa sitwasyong ito. Tiyak na hihilingin din ng mga inaanak na magkaroon sila ng ganitong klase na ninang.


Naging viral sa social media at maraming netizen ang natuwa sa post na ibinahagi ng netizen na si Princess Joie H. Cabiles.
Sa nasabing viral post, ibinahagi ni Princess ang screenshot ng conversation niya sa kanyang nina na nasa ibang bansa. Base sa kanilang usapan sa chat, nagulat ang dalaga dahil hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pamasko ng kaniyang napakabait na ninang.

Ang kanilang usapan ay nagsimula nang itanong ng ninang ni Princess kung nakuha na niya ang padala nito. Ngunit, hindi alam ni Princess ang tinutukoy ng kaniyang ninang kaya taka-taka niya itong tinanong kung ano ang padala na kaniyang tinutukoy. Dagdag pa niya, gabi na nung mga oras na iyon.


Maya maya pa ay nag-reply naman ang kaniyang napaka generous na ninang at ibinahagi ang surpresa niya para sa dalaga.
Laking gulat na lamang ni Princess nang malaman na pera pala ang padala ng kaniyang ninang bilang pamasko nito sa kaniya.


Base sa paliwanag ng kaniyang ninang sa chat nila, binigyan niya ang inaanak ng P23,000 dahil hindi niya ito nabigyan ng pamasko simula noon siya ay bata pa.



Kaagad naman naging viral ang post kung saan umani ito ng mahigit na 32,000 reactions, 7,100 comments, at 194,000 shares.


Source: Keulisyuna

0 Comments