Sa  panahon natin ngayon, napakarami na nating kaabalahan sa pang-araw araw nating buhay. Nariyan na ang ating pagiging abala sa ating mga kani-kaniyang trabaho, sa mga gawain sa paaralan, mga walang katapusang gawain sa tahanan at kung ano-ano pa. Maging ang mga alalahanin sa araw-araw ay talaga namang hindi na mabilang.


Bukod sa maraming mga problema at pagsubok hindi lamang sa pamilya at sa trabaho, sa mga kasalukuyang pangyayari na nagiging dahilan upang mag-alala din tayo ng sobra, tunay nga na kung iisipin ay wala talagang pahinga ang ating kalooban sa mga ganitong uri ng hamon sa buhay. Ngunit sa kabil ng mga pagsubok at alalahaning ito ay makakatagpo tayo ng kapahingahaan at kapayapaan kung tayo ay mananalangin ng mataimtim.


Tulad na lamang ng mga bata na ito na nakuhanan ng larawan habang sila ay mataimtim na nananalangin bago nila kainin ang biyayang pagkain sa kanilang harapan. Talaga namang maraming mga netizens ang naantig sa dalawang bata na ito dahil sa hindi nila alintana ang matinding gutom o ang hirap ng kanilang sitwasyon bagkus ay inuna nila ang pagpapasalamat sa biyaya na kanilang natanggap.

Tunay nga na hindi rin natin dapat kalimutan ang magpasalamat sa lahat ng mga biyaya maging sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.


Hindi madali ang pamumuhay sa lansangan, marahil ay marami sa atin ang magsasabi na ang mga batang lumalaki sa kalye ay walang mga takot sa batas at higit sa lahat ay wala ring takot sa Diyos. Ngunit ang larawan na ito ay patunay lamang na ang tunay na pananalig at pananampalataya sa Diyos ay walang pinipili na lugar, walang pinipili na tao, at walang pinipili na na estado ng buhay.

Kung kaya naman sa kabila ng maraming mga pagsubok sa buhay ay huwag nating kalilimutang humingi ng gabay sa Diyos at magpasalamat sa lahat ng mga biyaya na ating natatanggap.


Source: Keulisyuna

0 Comments