Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagkamatay ng alagang aso ng isang netizen matapos umano nitong kainin ang isang halaman.

Caption ng post ng Facebook page na “Trending Viral,” “Netizen, malungkot na ibinalita na namatay ang kanyang alagang aso matapos kainin ang halaman na ito!” base sa post, ang kuwento ay mula sa isang netizen na may pangalang “Prince Laurence Encarnacion Lacostales.”



Makikita nga sa mga litrato ang isang asong nakabalot na ng tela at tila wala ng buhay. Masisilayan din ang isang larawan ng halaman na nakapaso na marahil ay ang halaman ding kinain umano ng aso – na ayon sa ibang mga netizens ay tinatawag na “welcome plant.”


Umani naman ito ng samot-saring reaksiyon mula sa mga netizens.



“eh kc may taglay daw n lason ang halaman n nyan, kaya nga hindi ako nagaalaga nyan,” ani ng isang netizen.


Komento naman ng isa, “toxic” din daw ang halamang ito para sa mga tao.



Pahayag naman ng isa pang netizen, “Maraming plants ang lason sa mga pets eh. Dpt alam ng owner yan. Research first.”


Sa ngayon ay mayroon nang 517 reacts, 130 comments at 349 shares ang nasabing Facebook post.


Source: Keulisyuna

0 Comments