Marahil ay madalas na nating marinig ang mga salitang, “Isusubo na lamang ng magulang ay ibibigay pa sa kaniyang anak.” Kung inaakala nating kasabihan lamang ito ng mga matatanda, nagkakamali ang marami sa atin.

Dahil hindi na bago sa maraming mga magulang ang naisin na ibigay ang lahat ng makakaya nila para sa kanilang mga anak. Nakakalungkot lamang na madalas ay hindi nabibigyan ng pagkilala ang mga mahal nating magulang.

Isang patunay na marahil dito ang kwento ng isang matandang lalaki na kasama ang kaniyang anak sa isang tindahan ng sapatos. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng “Heave Elements” kung gaano kasabik ang anak sa bago niyang sapatos na binili para sa kaniya ang kaniyang ama.

Mula pa ito sa mga baryang kaniyang inipon ng halos ilang taon. Ayon sa babaeng nag-upload ng kanilang kwento at ilang mga larawan ay makikita sa mga mata ng ama na masayang masaya ito dahil sa wakas ay mabibilhan na niya ng sapatos ang kaniyang anak.

Hanggang nabubuhay din daw siya ay gagawin niya ang lahat mapasaya lamang ang kaniyang mga anak. Sa kabila ng kaniyang edad ay talagang nagagawa pa niyang suportahan at itaguyod ang kaniyang pamilya.

Maraming mga netizens ang talaga namang naantig sa kwentong ito ng mag-ama at nagnanais din silang matulungan ang pamilyang ito sa simpleng paraan na kanilang magagawa. Hindi na bago ang mga ganitong kwento na unang nakikilala sa social media at kalaunan ay magiging daan upang matulungan ang mga taong labis na nangangailangan.

Isang dakilang ama ang matandang lalaki na walang ibang nais kundi ang kaligayahan ng kaniyang anak kahit pa ang kapalit nito ay ang pinaghirapan niyang ipon sa loob ng ilang taon. Sana ay mas marami pang mga anak ang makabasa ng kwentong ito at nang maisip nilang mabuti kung gaano sila kapalad sa kanilang mga magulang.

Hindi lahat sa atin ay mayroon pang pagkakataon na yakapin at pasalamatan ang ating mga magulang na siyang nagtaguyod at nagmahal sa atin ng tunay.

Source: Keulisyuna

0 Comments