Kuwento ni Helen sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," hindi niya kaagad kinain ang ibinigay sa kaniyang mansanas. Sa halip, ilang araw muna niya itong inaamoy-amoy at saka lang niya kinain.
Ang amoy ng mansanas ang nagbigay daw sa kaniya ng inspirasyon na balang araw ay magagawa rin niyang bumili nito.
Mula sa pagiging kasambahay, naglakas-loob si Helen at ang kaniyang asawa na pumasok sa pagtitinda ng prutas pero hindi nagtagumpay.
Nagpatuloy pa ang pagsubok sa buhay nina Helen hanggang sa mapilitan silang ipaampon muna sa kaanak ang lima sa pito nilang anak dahil hindi na nila kayang buhayin.
Ang pagkakalayo na iyon sa mga anak ang nagbigay pa lalo kay Helen ng determinasyon na magsikap sa paghahanap-buhay ng prutas upang makaahon sa hirap.
Nangutang siya ng puhunan at kahit pa muling nabigo dahil sa kalamidad, hindi pa rin nasiraan ng loob si Helen.
Hanggang sa magbunga na ang itinanim niyang pagsisikap sa mga pakwan. Ngayon, nakapagpundar na si Helen ng mga bahay, nakabili ng mga sasakyan at ekta-ektaryang taniman ng pakwan.
Tunghayan ang kuwento ni Helen na kapupulutan ng inspirasyon ng mga taong nangangarap na balang araw ay giginhawa rin ang buhay basta magsisikap at hindi mawawalan ng pag-asa. Panoorin ang video na ito ng "KMJS."
0 Comments