Sa Pandemyang kinakaharap natin sa ngayon, maraming mga Pilipino at mga pamilya ang talagang naapektuhan. Maraming mga ama at ilaw ng tahanan ng nawalan ng mga trabaho at mga anak na hirap makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.



Nawalan na ng pag-asa ang karamihan at talaga namang nanlumo sa napakahirap na sitwasyong ito. Ngunit marami pa rin talaga ang hindi sumusuko sa buhay at patuloy na bumabangon kahit gaano pa kabigat ang kanilang dalahin sa buhay.


Isang buhay na patotoo na ang isang matandang lalaking ito na namataan ng netizen na si Dhagz Vergara sa simbahan ng Baclaran noong ika-4 ng Nobyembre. Napukaw ang atensyon niya dahil sa tila napakabigat na dalahin ng matandang lalaki.



Narinig din niya ang naging usapan nito at ng isang lalaking mayroong hawak na helmet sa kaniyang braso.  

Nagulat si Dhagz nang dumukot at nag-abot ng halagang Php3,000 ang lalaking may helmet sa matandang lalaking nakikiusap lamang sa kaniya ng kaunting limos dahil sa walang wala na talaga siyang pera.



Ang matandang lalaki pala ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at hindi makauwi sa kaniyang pamilya dahil sa wala itong perang pamasahe.


“Good samaritan : (dumukot ng tatlong libo) ito tatay umuwi ka na daw sabi ni lord galing po sa knya yan instrumento lng ako mag iingat po kau ( sabay paalam at talikod sa matanda),” pahayag ni Dhagz.



Nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki ay ninais ding tumulong ni Dhagz ngunit napansin niya ang matandang lalaking napaluhod at talagang umiiyak sa loob ng simbahan dahil sa labis na pagpapasalamat nito.  

Nang aabutan na ng kaunting salapi ni Dhagz ang matandang lalaki ay hindi na niya ito tinanggap dahil sa malaki na raw ang natanggap niyang tulong mula sa lalaking may hawak na helmet kung kaya naman sa ibang tao na lamang sana ito ibigay ni Dhagz.


Marami pa daw kasi silang mga tao roon na nangangailangan ng tulong.


Source: Keulisyuna

0 Comments