Ang mga daga ay mga peste at perwisyo sa ating buhay. Bukod sa napakarumi ng mga ito ay naninira pa sila ng mga pagkain, gamit, pananim, at kung minalas ka ay pati ang mga napakaimportanteng gamit ay kanilang nginangat-ngat. 


Karaniwan ng suliranin sa ating kapaligiran kung paano nga bang tuluyang maitataboy ang mga daga. Dahil ang mga ito ang siya ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng leptospir0sis ang mga taong may open w0und na sumusulong sa baha. Ang mga daga ay walang naidudulot na maganda, tulad na lamang ng isang dagang bubwit na nanira ng mga pera sa isang automated teller machine (ATM) sa bansang India.



Laking gulat ng mga technicians ng ayusin nila ang isang sirang ATM ng State Bank of India na inireklamo ng mga cliente dahil ayaw maglabas ng pera. Pagbukas kasi nila sa machine ay ginulantang sila ng mga nagkapira-pirasong mga pera. 


Natagpuan nila ang mga pera na nagkalat sa loob ng ATM na nagkakahalaga sa 1.2Million Indian Rupees o higit kumulang sa Php900,000.


Nang siyasatin nila ng mabuti ng mga technicians kung ano ang nangyari sa mga nagkapira-pirasong pera, ay natagpuan nila na may isang dagang nakapasok sa loob ng ATM machine at pinag-sisira ang mga libo-libong pera



Ngunit nang matagpuan nila ang daga ay wala na itong buhay. At ang mga perang nagkapira-piraso ay hindi na maisalba pa.


Ayon sa mga nagreport ng isyu ay ilang araw na raw na out of order ang machine at ayaw ng maglabas ng pera. Tinitiyak na ilang araw nang nakulong sa loob ng ATM ang daga at wala itong makain kaya ang mga pera ang kanyang kinain.



Hindi rin natukoy kung paano ito nakapasok sa loob ng machine dahil hindi ito nakuhanan sa closed-circuit security camera ng machine. Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang mga kinauukulan at tiniyak na wala ng ganitong insidente na mangyayari sa hinaharap. 


Source: Keulisyuna

0 Comments