Mga Lalake Sa Denmark Naghahanap Ngayon Ng Mga Pinay Na Mapapangasawa Dahil Sa Kaunti Ng Populasyon Doon
Hindi na napipigilan ang paglobo ng populasyon dito sa atin sa Pilipinas. Isa sa mga dahilan nito ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan na resulta ng kawalan ng tamang edukasyon patungkol sa pagtatalik. Ito rin ang nagiging sanhi na labis na kahirapan sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, naghahanap naman ng mga residente ang Faroe Islands na matatagpuan sa Denmark. Ito ay kasabay ng pagbaba ng bilang ng kanilang populasyon lalo na ang mga kababaihan.
Bagama’t nasa 50,000 na ang kanilang populasyon, bumababa pa ang mga tao sa Faroe Islands.
Kulang sila ng 4% ng kababaihan. Marami na rin sa kanila ang nagnanais na makapag-asawa ngunit dahil nga kakaunti lamang ang kanilang kababaihan, wala rin silang magawa. Ngunit dahil sa pagbabago ng teknolohiya, natuto silang gumamit ng mga dating apps at ang karaniwang hanap nila ay ang mga babaeng taga Asya. Ang iba nama’y naghahanap sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigang may kasintahang Asyana.
Patunay rito ang 300 na mga kababaihan mula sa Asya na lumipat sa Faroe Island upang tumira kasama ng kanilang kasintahan na nakilala nila sa dating sites. Sa katunayan, ang grupo nilang mga taga Asya ay siya nang pinakamalaking ethnic minority sa 18 isla.
Ngunit bakit nga ba nalalagasan ng populasyon ang Faroe Islands?
Ito ay dahil sa malawakang paglipat ng mga residente sa ibang bansa upang maghanap ng trabaho, at karaniwan ay magkaroon ng mataas na edukasyon. Hindi na rin sila bumabalik, ayon kay Axel Johannesen, Prime Minister.
Bagama’t kakaiba ang kultura at klima dito, hindi ito alintana para sa ating kababayan na si Antonette Egholm.
Ayon sa kaniyang pahayag kay Tim Ecott ng BBC, palakaibigan raw ang mga tao sa Faroe Islands. Hindi raw katulad sa Pilipinas na talamak raw ang krimen at matindi ang traffic, maaari mo raw iwang hindi nakakandado ang bahay mo sa Faroe Islands. Maliban pa diyan, natuwa rin siya sa maayos na sistema ng kanilang serbisyong medical at ang kalidad ng kanilang edukasyon.
Ayon naman sa kaniyang asawang si Regin, hindi raw dapat katakutan ang sari-saring uri bagkus ay yakapin ito. Sa katunayan nga raw, talagang nangangailangan sila ng mga bagong tao sa kanilang isla.
We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restricted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”
Source: Keulisyuna
0 Comments